Karaniwang problema ng mga tao ngayon ang pekas. Sa simula ay hindi ito papansinin ng ilan dahil sa “mahal” ang skin care, pero habang tumatagal, mas nagiging conscious tayo, lalo na kung dumadami ito. Sa blog na ito, tatalakayin natin kung ano ito at anong magandang gamot sa pekas. Pero meron nga ba talagang gamot?

Ituloy mo ang iyong pagbabasa upang mas maintindihan mo ang kondisyong ito, at ano ang magandang paraan upang mabawasan ang pagkalat nito sa iyong balat.

Ano Ba Talaga ang Pekas o Melasma?

Ang pekas, o melasma, ay isang skin condition na nagpapakita bilang brown o grayish patches, kadalasan sa pisngi, noo, ilong, at ibabaw ng labi. Hindi ito basta na lang biglang lumalabas; may mga dahilan ito na kadalasang magkakasamang nangyayari:

  • Sun exposure. Ito talaga ang pinaka-common na trigger, kaya’t kahit anong gamot pa ang gamitin, kung walang sunscreen, mahihirapan pa rin.
  • Hormonal changes. Madalas lumalabas ito habang buntis o kapag gumagamit ng birth control pills.
  • Genetics. May mga pamilya rin talaga na madaling magka-melasma.

Dahil magkakasama ang mga dahilan na ito, kadalasan kailangan din ng magkakasamang solusyon para dito.

Anong Magandang Gamot sa Pekas?

Tapatin na lang natin: wala talagang isang gamot lang na basta bibilhin mo at tatanggal na agad ito. Mas malapit sa katotohanan kung tingnan natin ito bilang isang routine, may oral care, may topical na produkto, at syempre, may sun protection. Ganito rin ang binuo ng Pynocare Complete Melasma Management, na binubuo ng:

  • Pynocare 40 Actisome Capsule, para sa loob ng katawan
  • Pynocare Melasma Cream, para sa araw-araw na topical care
  • Pynocare Dark Spot Corrector Serum, para sa targeted na dark spots

Ang Pynocare Complete Melasma Management Lineup

Pynocare 40 Actisome Capsule. Ito ang oral supplement sa lineup, kung saan sinusuportahan mo ang balat mula sa loob. Ilan sa mga laman nito:

  • Procyanidin (mula sa French maritime pine bark extract), isang antioxidant laban sa free radicals.
  • Vitamin C, sumusuporta sa mas even-looking na skin tone.
  • Beta-carotene at Vitamin E, dagdag antioxidant support.

Kadalasan itong ginagamit nang tuloy-tuloy sa loob ng ilang linggo bilang bahagi ng regular na routine, at maaaring i-complement ang dermatologist-recommended melasma management.

Pynocare Melasma Cream. Ito naman ang gamitin mo araw-araw, umaga’t gabi. Ito ang laman nito:

  • Kojic acid at Niacinamide, kilalang brightening ingredients para sa mas even-looking na kutis.
  • Vitamin E at Resveratrol, antioxidants na tumutulong laban sa free radical damage.
  • May SPF na kasama, dagdag proteksyon laban sa UV rays.

Bahagi lang ito ng buong skincare routine; hindi ito standalone na fix.

Pynocare Dark Spot Corrector Serum. Kung gusto mo ng mas light na produkto na pwede mong i-layer sa ilalim ng moisturizer o sunscreen, ito ang bagay para sa’yo. Meron itong:

  • Alpha arbutin, brightening ingredient para sa mas even na skin tone.
  • Kojic acid, tumutulong din dito, tulad ng sa cream.
  • Niacinamide, nakakatulong sa overall texture ng balat.

Maaaring makatulong ito sa pagpapabuti ng hitsura ng dark spots kung ginagamit nang regular.

Huwag Kalimutan: Sunscreen at Dermatologist Consultation

Kahit gaano pa “complete” ang routine mo, hindi ito magiging effective kung wala kang consistent na sun protection. Sabi nga nila, pag walang tyaga ay walang nilaga. Kaya kung nais mo talagang ma-achieve ang paglabo ng pekas na minsan mo nang tinawag na sumpa, ito ang  ilang bagay na dapat mong tandaan:

  • Mag-sunscreen araw-araw, kahit umuulan o cloudy, dahil UV rays pa rin ang nasa likod ng karamihan ng melasma cases.
  • Mag-reapply ng sunscreen kung matagal ang oras mo sa labas.
  • Kumonsulta sa dermatologist, lalo na kung matagal nang hindi bumubuti ang balat mo, dahil hindi lahat ng klase ng melasma ay pareho.

Pero teka, bago mo tapusin ang blog na ito, nais lang kitang bigyan ng isang friendly reminder na, ang mga gamot na ito ay hindi isang “cure” na makakapag-magic sa skin problems mo, okay? Konsultahin mo ang iyong doktor bago magsimula ng anumang bagong skincare o supplement routine, lalo na kung ikaw ay buntis, nagpapasuso, o may kasalukuyang kondisyong medikal.

Sure ka na bang handa ka na sa pag-commit sa bagong routine?

Kung tatanungin ka ulit ng kaibigan mo kung anong magandang gamot sa pekas, ang pinaka-tapat na sagot talaga ay wala namang iisang gamot na sasagot dito nang tuluyan. Ang mas makatutulong ay isang consistent na routine, tulad ng Pynocare Complete Melasma Management na binubuo ng:

  • Pynocare 40 Actisome Capsule, para sa loob
  • Pynocare Melasma Cream, para sa araw-araw na topical care
  • Pynocare Dark Spot Corrector Serum, para sa targeted na dark spots

Kasabay nito, huwag kalimutan ang araw-araw na sunscreen, at kung kaya, konsulta sa dermatologist. Tandaan na ang resulta ay maaaring mag-iba sa bawat tao, kaya patience at consistency talaga ang kailangan dito, hindi ito overnight fix.

Maaari mong mahanap ang Pynocare Complete Melasma Management products sa Watsons Pharmacy at sa major dermatology clinics nationwide. I-follow din ang Pynocare Philippines sa Facebook at Instagram para sa karagdagang skincare tips at melasma management advice.


References: 

American Academy of Dermatology Association. (2022, February 15). Melasma: Diagnosis and treatment. Retrieved from https://www.aad.org/public/diseases/a-z/melasma-treatment

Abebe, S. (2024, May 27). Skincare and overall wellbeing: The link. Mega We Care. https://www.megawecare.com/good-health-by-yourself/skincare/does-skincare-play-a-role-in-achieving-overall-wellbeing 

Mayo Clinic Health System. (2021, July 19). Seeing spots? Treating hyperpigmentation. https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/seeing-spots-treating-hyperpigmentation

Garibyan, L., & Moradi Tuchayi, S. (2022, July 11). Melasma: What are the best treatments? Harvard Health Blog. Retrieved from https://www.health.harvard.edu/blog/melasma-what-are-the-best-treatments-202207112776

Pynocare Philippines. (n.d.). Dark spot corrector serum. Retrieved July 14, 2026, from https://pynocare.ph/dark-spot-corrector-serum/

Pynocare Philippines. (n.d.). Pynocare 40 Actisome. Retrieved July 14, 2026, from https://pynocare.ph/pynocare-40-actisome/

U.S. National Library of Medicine. (n.d.). Melasma: MedlinePlus medical encyclopedia. Retrieved July 14, 2026, from https://medlineplus.gov/ency/article/000836.htm


PYNOCARE 

Your trusted melasma management partner, helping achieve clearer, brighter, and healthier-looking skin. Available in capsule, cream, and serum variants, Pynocare supports the reduction of dark spots and uneven skin tone through a complete inside-and-out approach, bringing you closer to confident, melasma-free skin every day.

Mega We Care

Mega Lifesciences Limited Inc. or Mega We Care, is actively involved in helping millions of people have access to safe, effective, world-class quality nutritional & herbal supplements, OTC, and ethical products.

No Comments on Anong Gamot sa Pekas? Complete Guide sa Melasma Management

Add a Comment

8 + eighteen =

Discover the latest in . . .

Related Articles

View All Posts

Recommended Articles

Pynocare Capsule, Cream, and Serum for melasma management

Get in Touch

Send us a message & we will be in touch

Pynocare 40 Actisome

Price may vary in different shops