Isa ang melasma o pekas sa pinaka-common na skin conditions sa Pilipinas dahil na rin sa skin type nating mga Pinoy at sa klima ng bansa. Tinatantya na 40% ng mga babae at 20% ng mga lalaki sa buong Southeast Asia, kung saan nabibilang ang Pilipinas, ang nakakaranas nito. Mahirap rin itong gamutin dahil maraming factors ang nagko-contribute sa pagkakaroon nito. Pero all hope is not lost sabi nga nila dahil sa Pilipinas mayroon tayong option na clinically proven and tested na gamot sa pekas sa mukha.

Ang melasma o pekas ay mga discolored (bluish-gray to dark) patches sa balat na karaniwang tumutubo o makikita sa mukha sa bandang pisngi, noo, baba, taas ng labi, at ilong. Maaari rin itong tumubo sa leeg, braso, at dibdib. Karaniwan din itong nauugnay sa pagbubuntis at tinatawag na “pregnancy mask” dahil na rin sa mataas na posibilidad na magkaroon ng pekas habang ikaw ay nagbubuntis.

Bakit nagkakaroon ng melasma ang isang tao?

Gaya ng nabanggit sa taas, maraming pwedeng factors kung bakit nagkakaroon ng melasma ang isang tao.

  • Exposure sa matinding sikat ng araw: Unang-una sa listahan ang exposure sa matinding sikat ng Nagdudulot ng cell damage ang UV rays galing sa araw na siya namang nagtri-trigger ng production ng melanin sa balat na siyang sanhi ng mga dark patches. Dahil na rin sa tropical country tayo, normal na sa atin ang matinding sikat ng araw lalo na tuwing summer at hindi rin talaga maiiwasan ang minsan na mabilad sa araw.

Hindi lang pekas ang maaaring idulot ng sobra sobrang exposure sa araw, maaari rin itong maging sanhi ng ibang sakit gaya ng sunburn at skin cancer.

  • Pagbabago sa level ng hormones: Isa rin sa sinasabing dahilan ng pekas ay ang pagbabago ng hormone levels ng katawan. Karaniwang nagkakaroon ng pagbabago sa hormone tuwing may regla, may sakit na nagdudulot ng hormonal fluctuations, o kapag buntis ang isang Maaari rin na magdulot ng hormonal fluctuation ang mga gamot na iniinom gaya ng contraceptive pills.
  • Genetics: Isa rin sa pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng pekas ay ang genetics. Common ang pekas sa skin type nating mga Pinoy (Fitzpatrick Phototype IV), ito ay light-brown skin o kayumanggi. Sa katunayan, isa ang pekas sa top 10 na rason ng mga nagpapa-konsulta sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at isa rin ito sa top 10 diseases ng Dermatology Outpatient Department sa Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) mula 2004 hanggang 2008.
  • Oxidative stress: maraming maaaring magdulot ng oxidative stress sa katawan. Nangyayari ang oxidative stress kapag ang mga reactive oxygen species (ROS) ay nagdudulot ng damage sa DNA at mga macromolecules sa katawan gaya ng lipids at proteins. Nagko-contribute ito sa pag-develop ng pekas at iba pang sakit. Kaya naman, malaki ang tulong ng mga produkto na may antioxidant properties sa pag-gamot sa pekas sa mukha.
  • Maling paggamit ng mga exfoliants: Isa sa paraan para malunasan ang pekas ay ang pag-exfoliate ng balat para mas mag-lighten ang appearance ng mga patches. Pero kapag hindi ito maayos na nagawa o mali ang paggamit ng mga exfoliating agents, maaaring magdulot ito ng irritation at mas lumala pa ang pekas.

Gamot sa Pekas sa Mukha

Ang pag-gamot sa pekas sa mukha ay hindi mabilisang proseso. Kailangan na may guidance rin mula sa isang board-certified dermatologist upang masigurado na pekas nga ang iyong kondisyon. Isang rason din kung bakit importanteng may gabay ng dermatologist ay ang posibilidad ng side e ects or adverse e ects na maaaring maranasan habang nagti-treatment para sa pekas.

Walang one size fits all na gamot sa pekas sa mukha. Kailangan na ang iyong treatment plan ay naka personalize base na rin sa severity ng iyong pekas, dahilan nito, lifestyle, at kung meron ka pang ibang kondisyon.

  • Sun protection: Sun protection ang isa sa pinaka-importanteng parte ng treatment para sa melasma. Gaya ng nabanggit sa taas, ang exposure sa matinding sikat ng araw ang isang factor sa pagkakaroon ng pekas. Nirerekomenda ang araw-araw na paggamit ng sunblock o sunscreen na may SPF 35 Iwasan ding magbilad sa araw habang tirik ito, kung hindi naman maiiwasan ay gumamit ng payong o kaya’y any form of proteksyon mula sa araw.
  • Chemical peels: Ang mga chemical peels ay mabisang paraan para mas mapabilis ang paggamot sa pekas. Pinapabilis nito ang turnover ng skin layers sa pamamagitan ng pagtanggal ng layer na kung nasaan ang discoloration sa balat dulot ng pekas. Although e ective ang mga chemical peels, mataas ang posibilidad na magkaroon ng side e ects gaya ng pamumula, pangangati ng balat, at sensitivity lalo kung hindi ito nagawa ng tama. Kaya naman kailangan na may consultation muna sa isang dermatologist bago gumamit ng mga peeling agents.
  • Laser Therapy: Isa sa mabisang gamot sa pekas sa mukha ay ang mga laser treatment. Natatarget dito ang mga melanin deposits na nasa balat. Kinakailangan ng consistent at ilang sessions bago makuha ang result na gusto. Bukod sa mga maaaring side e ects, mas mahal din ang laser therapy compared sa ibang options kaya naman hindi ito ideal para sa lahat.
  • Topical o mga pamahid sa mukha: Ang mga topical agents para sa pekas na siguro ang pinaka-popular at accessible na option para sa marami sa atin. May mga topical agents gaya ng Hydroquinone na kinakailangan ng reseta para makabili, pero karamihan ay available lang over the counter.
    • Hydroquinone: Sinasabi na hydroquinone ang gold-standard sa treatment para sa pekas dahil sa e ectiveness Pero kailangan ng gabay ng dermatologist bago gumamit nito dahil mataas ang chance ng side e ects. Hindi rin ito pwedeng gamitin kapag ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. Iwasan rin ang exposure sa araw kapag gumagamit nito dahil mas manipis at prone ang balat sa sun damage habang nage-exfoliate.
    • Retinoids: Sikat na sikat ngayon ang mga retinoids gaya ng retinol dahil sa magandang epekto nito sa ibat-ibang skin conditions gaya ng acne at pekas. Mayroong ibat-ibang klase ng retinol products sa market ngayon gaya ng mga retinol serums at creams.
    • Antioxidant serums: Sikat rin ngayon ang mga vitamin C serums dahil sa lightening e ects nito sa May mga serums rin na may vitamin E at iba pang mabisang antioxidants. Nakakatulong ang mga ito para mabawasan darkness o kulay ng pekas sa balat.
  • Tranexamic acid: Ang tranexamic acid ay isang antifibrinolytic agent na gamot. Ginagamit ito para maiwasan ang excessive bleeding at blood loss kapag may excessive trauma at injury, pagkatapos manganak, habang inooperahan, or heavy menstruation. Ang paggamit nito para sa melasma ay considered na o -label use at hindi dapat basta-bastang inumin ng walang proper consultation sa inyong doctor at dermatologist.
  • Pynocare: Marami ang gusto ng hassle-free na gamot para sa pekas sa mukha. Kaya naman napakagandang isipin na mayroong clinically proven and tested, safe and effective, at FDA-approved na oral medicine para sa pekas. Ang Pynocare ay isang over the counter na gamot pero ine-encourage pa rin na may guidance ng isang dermatologist habang umiinom nito. Importante rin ang pagkonsulta sa inyong doctor lalo na kung may ibang gamot na iniinom para sa ibang sakit.

Naglalaman ito ng procyanidin + betacarotene (vitamin A) + ascorbic acid (vitamin C) + d-alpha-Tocopheryl Acetate (vitamin E). Ang procyanidin ay mula sa D. salina extract at may antioxidant at anti inflammatory e ects. Maraming pag-aaral na rin ang nagpapatunay sa bisa ng procyanidin para sa mga hyperpigmentation conditions gaya ng pekas. Ang vitamins A, C, at E naman ay mga potent na antioxidants. At gaya ng nabanggit kanina, isa ang oxidative stress dulot ng mga reactive oxygen species (ROS) sa factors na nagko-contribute sa pagkakaroon ng pekas. Ang mga vitamins na ito ay nilalabanan ang mga ROS na ito para hindi sila maka-damage sa ating mga cells at maiwasan ang mga sakit gaya ng pekas.

Napatunayan sa mga pag-aaral na ang pag-inom ng Pynocare dalawnang (2) beses sa isang araw sa loob ng walong (8) linggo ay nakakatulong sa paggamot sa pekas. Maaaring makaranas ng mild side effects gaya ng stomach o gastrointestinal upset habang umiinom nito kaya recommended na mag-take nito pagkatapos kumain.

Bumabalik ba ang pekas pagkatapos nitong magamot?

 Unfortunately, isa sa notorious na challenge sa pekas ay ang risk ng recurrence nito o ang posibilidad na bumalik. Pero not to worry too much, dahil maaari ring gamitin ang Pynocare para sa prevention ng pagkakaroon ng pekas at prevention ng recurrence nito.

Final thoughts

Hindi man nagdudulot ng physical na sakit ang pekas, malaki naman ang epekto nito sa self-confidence at mental wellness ng mga mayroon nito. Lalo na sa panahon natin ngayon na mas nabibigyang pansin na ang mga bagay gaya ng skin health. Walang masama sa pagkakaroon ng pekas pero wala rin masama sa paghahangad ng makinis at pekas-free na balat. Basta siguraduhin lamang na ang mga produktong gagamitin o gamot na iinumin ay recommended ng inyong doctor or dermatologist.

Disclaimer lamang na ang lahat ng nabanggit na impormasyon sa article na ito ay mula sa mga published at peer-reviewed research/studies at batay sa recommendation ng mga eksperto. Hindi dapat ituring ang anumang impormasyon dito na medical advice. Ipinipayo ang pagkonsulta sa inyong doctor o dermatologist para sa anumang treatment na gagawin, produkto na gagamitin, at gamot na iinumin.

References

———————————————————————————————————————————————————————

PYNOCARE (Procyanidin + Ascorbic Acid + Betacarotene + d-Alpha-Tocopheryl Acetate)

The first and only oral medicine that is clinically proven to reduce Melasma or dark spots formation in as early as 8 weeks. Unlike creams, lotions, and gels, it has MSCC or Melasma Skin Clear Complexion Complex formulation that deeply penetrates the inner layers of the skin, to help normalize melanin levels, thus minimizing the appearance of dark spots in a short time.

Mega We Care

Mega Lifesciences Limited Inc. or Mega We Care, is actively involved in helping millions of people have access to safe, effective, world-class quality nutritional & herbal supplements, OTC, and ethical products.

No Comments on Proven and Tested Gamot sa Pekas sa Mukha

Add a Comment

thirteen + 18 =

Popular Tags

Related Tags

Alice Dixson birth control pills Blogs causes of melasma chemicals on cosmetics chloasma common skincare mistakes contraceptives and melasma cream cure melasma dark spots dark spots during pregnancy dark spots remover dark spots remover on face dark spots remover watsons dark spots tips difference between melasma and hyperpigmentation ecommerce effects of pynocare fda approved fda philippines For Women gamot sa melasma gamot sa pekas gamot sa pekas sa mukha generic of pynocare gluta glutathione healthy skin how long to take pynocare how to cure melasma how to get rid dark spots how to get rid of melasma how to reduce dark spots how to reduce melasma how to remove dark spots how to take pynocare how to treat melasma from within is pynocare fda approved kojic kojic acid lazada lock love Maricar Reyes melasma melasma causes melasma cream melasma free melasma pynocare melasma remover watsons melasma solution melasma tips melasma treatment melasma treatments melasma vitamins melasma vs hyperpigmentation night online shopping oral overexposure to sun pekas pekas cream pekas treatment product for dark spots product for melasma Product Information product review products for melasma pynocare pynocare before and after pynocare capsule pynocare cream pynocare dosage pynocare for dark spots pynocare for melasma pynocare for pekas Pynocare PH pynocare philippines pynocare price pynocare reviews pynocare safe and natural pynocare side effects Pynocare stories pynocare vs gluta pynocare watsons reduce melasma safe and natural for melasma safe and natural melasma treatment serum Sharon Cuneta shopee side effects side effects of taking pynocare Skin Care Tips skin hyperpigmentation skin problems skincare skincare mistakes soft gel solution for melasma stars sun exposure Tablets tips to avoid melasma tips to reduce dark spots tips to reduce melasma tips to remove dark spots treatment for melasma treatment for pekas Videos vitamins for melasma watsons Women in the Spotlight

Related Comments

Discover the latest in . . .

Related Articles

View All Posts

Recommended Articles

Get in Touch

Send us a message & we will be in touch