Ang pekas sa mukha o melasma sa ingles ay isang skin condition kung saan nagkakaroon ng bluish-gray o dark patches sa mukha. Maaari rin magkaroon ang ibang bahagi ng katawan gaya ng leeg, braso, at dibdib. Maraming solusyon ang pwedeng gamitin para sa pekas pero ang gamutan nito ay isang mahabang proseso at nangangailangan ng gabay ng isang board-certified dermatologist. Importante rin na ang mga produktong gagamitin ay aprubado at ligtas. Nagkalat ngayon sa merkado ang mga pekas cream na nag-claclaim na lunas ang mga ito sa melasma.

Ang problema, karamihan sa mga ito ay hindi approved ng Food and Drug Administration (FDA). Sa katunayan, laging naglalabas ang FDA ng mga advisories laban sa pagbili ng hindi aprubado na melasma creams. Ibig sabihin ay hindi dumaan ang mga ito sa tamang proseso ng evaluation of safety and efficacy.

Pekas Creams: Epektibo Nga Ba?

Walang miracle cure sa melasma, kailangan na ang treatment plan para sayo ay angkop sa iyong kondisyon at lifestyle. Ang mga pekas cream na ina-advertise sa market ngayon ay naglalaman ng ibat-ibang active ingredients gaya ng hydroquinone, azelaic acid, tretinoin at iba pa. Mabisa ang mga active ingredients na ito pero maaaring magdulot ng mga hindi kanais-nais na side effects kapag mali ang paggamit. Mayroon ding tamang mga percentage or formula ang mga ito para maging mabisa kaya pinakaimportanteng dumaan ang mga ito sa mga masusing pag-aaral, tamang manufacturing process, at proper evaluation ng FDA.

Makikita sa ibaba ang mga active ingredients na karaniwang makikita sa mga pekas cream na binebenta. Importanteng may konsultasyon muna sa inyong doktor at dermatologist bago gumamit ng mga ito. Siguraduhin rin na ang produktong gagamitin ay FDA-notified, maaaring i-check ito sa verification portal ng FDA.

Hydroquinone Cream

Ang hydroquinone ay kabilang sa mga tinatawag na depigmenting agents. Ang mechanism of action ng hydroquinone ay pinapapababa nito ang melanin production ng balat. Melanin ay ang nagbibigay ng maitim na kulay sa balat at ang mga dark patches na makikita sa mga may pekas ay mga melanin deposits.

Karaniwang side effect ng hydroquinone ay skin irritation. Maaaring maka-experience ng pamumula (redness), pangangati (itching), at pagbabalat (peeling) habang gumagamit nito. Hindi rin ito recommended sa mga buntis at nagbe-breastfeed dahil maaari itong magdulot ng mga komplikasyon. Iwasan rin ang long term na paggamit nito at ugaliing gumamit ng sun protection kapag gumagamit nito para maiwasan ang mga malalang side effect gaya ng ochronosis.

Nasa 2% to 4% ang concentration ng mga hydroquinone creams na ginagamit para sa pekas. Sa mga pag-aaral, nakita rin na mas maganda ang naging response ng mga study subjects at mas bumaba rin ang occurence ng side effects kapag gumamit ng sunscreen o sunblock kasabay ng hydroquinone.

Tretinoin Cream

Ang tretinoin ay nabibilang sa class na tinatawag na retinoids. Kabilang sa mga topical retinoids ang adapalene, tretinoin (retinoic acid), at trifarotene. Sa mga ito, tretinoin ang karaniwang ginagamit sa mga pekas cream. Pinapabilis ng tretinoin ang cell turnover rate ng balat na siyang nagpapabilis rin ng pagbabalat (shedding) ng layer ng balat na may melasma.

Isa sa karaniwang side effect ng tretinoin ay ang initial worsening of symptoms o lumalala ang pekas sa mga unang araw ng paggamit nito bago makita ang improvements. Karaniwang nagkakaroon rin ng dryness, redness, peeling, at sun sensitivity kaya naman dapat gumamit ng sun protection kapag gumagamit nito. Karaniwan ding ginagamit ang tretinoin kasama ng hydroquinone.

Triple Combination Creams

Ang mga triple combination pekas creams ay naglalaman ng hydroquinone, tretinoin, at isang topical corticosteroid gaya ng fluocinolone at dexamethasone. Sa mga pag-aaral, ang mga triple combination creams na ito ang may pinaka-favorable na resulta pagdating sa melasma treatment.

Naeenhance ng tretinoin ang effect ng hydroquinone at napropromote ang cell turnover sa balat. Samantalang ang corticosteroid naman ay nire-relieve ang skin irritation na dulot ng dalawang active ingredient. Dahil dito mas nagiging epektibo ang treatment pero tumataas ang posibilidad ng ibang side effects gaya ng dryness, peeling, at sun sensitivity.

Azelaic Acid Cream

Ang azelaic acid ay isang klase rin ng depigmenting agent gaya ng hydroquinone. Ito ay isang competitive inhibitor ng tyrosinase na siyang nagpapababa sa production ng mga hyperactive melanocytes. Kasing bisa ito ng hydroquinone pero mas mataas ang tsansa na magdulot ng side effects. Ang mga side effects na maaaring maranasan ay katulad rin ng sa hydroquinone, ito ay mild skin irritation, dryness, peeling, at hypopigmentation associated with prolonged use.

Kojic Acid Cream

Marami sa atin ang pamilyar sa kojic acid bilang sabon, pero ginagamit rin ito bilang active ingredient sa ibang produkto gaya ng mga pekas cream. Ang kojic acid ay isang organic compound mula sa fungi na Aspergillus oryzae o mas kilala sa tawag na koji sa Japan – kaya naman ang pangalan nito na kojic acid.

Ang mechanism of action nito ay kapareho ng hydroquinone na nagpapababa ng melanin production na siyang dahilan ng pag-fade ng mga pekas. Maaaring makaranas ng minor to mild side effects gaya ng skin irritation, itching, redness, at sensitivity sa sikat ng araw. Kaya naman pinapayuhan rin ang mga gagamit nito na gumamit ng sun protection.

Topical Tranexamic Acid Cream

Ang tranexamic acid ay isang antifibrinolytic agent na ginagamit recently para sa treatment ng pekas. Sa mga pag-aaral, walang nakitang pagkakaiba sa activity ng topical tranexamic acid sa hydroquinone. Ibig sabihin ay halos pareho sila ng epekto pagdating sa pekas. Karaniwan ding ginagamit ang topical tranexamic bilang adjuvant therapy sa mga nagla-laser treatment para sa melasma. Ginagamit rin ito in combination with microneedling.

Antioxidant Creams

Ginagamit din ang mga topical antioxidants gaya ng vitamin C at vitamin E bilang adjuvant therapy sa mga naunang nabanggit na produkto. Ang vitamin C ay may kakayahang mag-chelate or makipa-bind sa mga copper ions na isang cofactor enzyme o isang ingredient sa pagbuo ng melanin (melanogenesis). Bukod sa epektibo ang mga ito, mas mababa rin ang potential na magdulot ng side effects.

Sunscreen at Sunblock

Although ang mga sunscreen at sunblock ay hindi technically cream para sa pekas, malaki naman ang ambag nila sa overall result ng pekas treatment. Gaya ng nabanggit sa mga naunang produkto, marami sa mga ito ay nagdudulot ng sun sensitivity at peeling kaya kinakailangan ng mabisang sun protection.

Isang malaking factor rin ang UV at sun exposure sa development ng pekas. Nirerecommend ng mga dermatologist ang paggamit ng sunscreen o sunblock na may SPF 35 pataas araw-araw lalo na kapag lumabas at mae-expose sa araw.

Mga Iba Pang Solusyon sa Pekas

Laser and Light Treatment

Isang mabisang solusyon din sa pekas ang mga light at laser treatments gaya ng Intense Pulsed Light (IPL), Q‑Switched Neodynium‑Doped Yttrium Aluminum Garnet (QS‑Nd:YAG) Laser, at Pulsed-Dye Laser (PDL), at Fractional Laser. Ngunit nalilimitahan ang paggamit nito dahil sa mas mataas rin na posibilidad at higher risk ng mga adverse effect gaya ng mas lalong pangingitim ng balat na resulta ng direct cell damage lalo na kung mali ang paggamit ng mga ito.

Chemical Peeling

Ang chemical peeling ay hindi na bago sa atin. Ginagamit ang chemical peeling bilang solusyon hindi lamang sa pekas kundi maging sa iba pang problema sa balat gaya ng acne o pimples, solar lentigines, at iba pang hyperpigmentation disorders.

Karaniwang ginagamit ang glycolic acid (GA), salicylic acid (SA), salicylic-mandelic acid combination, at trichloroacetic acid (TCA) para sa melasma. Sa mga comparative studies na ginawa sa mga chemical peeling agents na mga ito, nakitang walang pagkakaiba sa bisa nila kumpara sa hydroquinone. Dahil dito karaniwan silang ginagawa kasabay ng iba pang treatment options gaya ng topical at oral treatments.

Oral/systemic Agents

Kamakailan ay pinagtutuunan na rin ng pansin ang paggamit ng mga oral o systemic agents para sa pekas. Ilan sa mga ginagamit na oral treatments ay polypodium leucotomos extract, procyanidin, carotenoids, at melatonin.

Ngunit sa mga ito isa lang ang FDA-approved at clinically-proven na gamot sa pekas na available sa Pilipinas. Ang Pynocare ay mayroong procyanidin, ascorbic acid (vitamin C), betacarotene (vitamin A), at d-alpha-tocopheryl acetate (vitamin E). Sa clinical trial na ginawa sa Pilipinas, napatunayan na ang pag-inom ng Pynocare dalawang (2) beses sa isang araw sa loob ng walong (8) linggo ay nakakatulong sa paggamot sa pekas.

Epektibo itong alternative para sa mga may sensitive na balat at hindi kayang itolerate ang mga side effects ng mga pekas cream at iba pang treatment gaya ng laser therapy at chemical peeling. Siguraduhin lamang na kumonsulta sa inyong doktor o dermatologist bago uminom ng anumang uri ng gamot.

Maaaring makaranas ng mild side effects gaya ng stomach o gastrointestinal upset habang umiinom nito kaya recommended na mag-take nito pagkatapos kumain.

Important Considerations

Ang mga topical treatment gaya ng mga pekas creams ay importante sa management ng melasma. Nagbibigay sila ng direct at targeted na action, pinaapabilis ang cell turnover ng balat, at pinapababa ang melanin production. Epektibo man ang karamihan sa mga ito, kinakailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at masusing pagsasaliksik bago gamitin ang mga ito. Importante rin na may gabay ng doktor para ma-monitor at ma-adjust ang treatment kung kinakailangan.

Importante rin na may disiplina tayo sa at sumunod sa treatment plan na ibibigay. Kailan rin itong sabayan ng tamang sun protection, healthy lifestyle, at tamang diet na siyang nakakaapekto sa overall skin health.

Disclaimer: Lahat ng nabanggit na impormasyon sa article na ito ay mula sa mga published at peer-reviewed research/studies at batay sa recommendation ng mga eksperto. Hindi dapat ituring ang anumang impormasyon dito na medical advice. Ipinipayo ang pagkonsulta sa inyong doctor o dermatologist para sa anumang treatment na gagawin, produkto na gagamitin, at gamot na iinumin.

References

  • McKesey, J., Tovar‐Garza, A., & Pandya, A. G. (2019). Melasma Treatment: An Evidence-Based Review. American Journal of Clinical Dermatology, 21(2), 173–225. https://doi.org/10.1007/s40257-019-00488-w
  • Handog, E.B., Galang, D.A.V.F., De Leon-Godinez, M.A., & Chan, G.P. (2009). A randomized, double-blind, placebo-controlled trial of oral procyanidin with vitamins A, C, E for melasma among Filipino women. International Journal of Dermatology, (48), pp. 896-901. https://doi.org/10.1111/j.1365-4632.2009.04130.x

———————————————————————————————————————————————————————

PYNOCARE (Procyanidin + Ascorbic Acid + Betacarotene + d-Alpha-Tocopheryl Acetate)

The first and only oral medicine that is clinically proven to reduce Melasma or dark spots formation in as early as 8 weeks. Unlike creams, lotions, and gels, it has MSCC or Melasma Skin Clear Complexion Complex formulation that deeply penetrates the inner layers of the skin, to help normalize melanin levels, thus minimizing the appearance of dark spots in a short time.

Mega We Care

Mega Lifesciences Limited Inc. or Mega We Care, is actively involved in helping millions of people have access to safe, effective, world-class quality nutritional & herbal supplements, OTC, and ethical products.

No Comments on Pekas Cream: Epektibo ba ang Cream na Gamot sa Pekas o Melasma?

Add a Comment

18 + 9 =

Popular Tags

Related Tags

Alice Dixson birth control pills Blogs causes of melasma chemicals on cosmetics chloasma common skincare mistakes contraceptives and melasma cream cure melasma dark spots dark spots during pregnancy dark spots remover dark spots remover on face dark spots remover watsons dark spots tips difference between melasma and hyperpigmentation ecommerce effects of pynocare fda approved fda philippines For Women gamot sa melasma gamot sa pekas gamot sa pekas sa mukha generic of pynocare gluta glutathione healthy skin how long to take pynocare how to cure melasma how to get rid dark spots how to get rid of melasma how to reduce dark spots how to reduce melasma how to remove dark spots how to take pynocare how to treat melasma from within is pynocare fda approved kojic kojic acid lazada lock love Maricar Reyes melasma melasma causes melasma cream melasma free melasma pynocare melasma remover watsons melasma solution melasma tips melasma treatment melasma treatments melasma vitamins melasma vs hyperpigmentation night online shopping oral overexposure to sun pekas pekas cream pekas treatment product for dark spots product for melasma Product Information product review products for melasma pynocare pynocare before and after pynocare capsule pynocare cream pynocare dosage pynocare for dark spots pynocare for melasma pynocare for pekas Pynocare PH pynocare philippines pynocare price pynocare reviews pynocare safe and natural pynocare side effects Pynocare stories pynocare vs gluta pynocare watsons reduce melasma safe and natural for melasma safe and natural melasma treatment Sharon Cuneta shopee side effects side effects of taking pynocare Skin Care Tips skin hyperpigmentation skin problems skincare skincare mistakes soft gel solution for melasma stars sun exposure Tablets tips to avoid melasma tips to reduce dark spots tips to reduce melasma tips to remove dark spots treatment for melasma treatment for pekas Videos vitamins for melasma watsons Women in the Spotlight

Related Comments

Discover the latest in . . .

Related Articles

View All Posts

Recommended Articles

Get in Touch

Send us a message & we will be in touch